Thursday, May 15, 2014

PANLILIGAW

PANLILIGAW (Courtship)—2014 na! Madalas naririnig natin sa mga young-adults ngayon na “kung gusto ka ng taong mahal mo, kayo na! Bakit ka pa magpapaka-hard to get?” Kapag mag-“I LOVE YOU” and “I LOVE YOU TOO” sa text, kayo na! Idagdag pa ang mga social networking sites for you to keep in touch most of the time.. Haaaay!! High-tech na nga maituturing ang ligawan ngayon.. Praktikal. Minus gastos. At lalong praktikal kung malayo sa isa’t-isa. (Oo nga naman!)

Siguro nga ay tuluyan nang nalimot ang kahalagahan ng panliligaw o sa ibang terminolohiya, “PANUNUYO”.

Ganito ang aking pananaw hinggil dyan, bilang isang Babae na minsan nang niligawan ngunit sa bandang huli ay nasaktan, naloko at naiwan, in short, nabigo sa buhay pag-ibig.. Bagkus, hindi man ganun kaganda ang nahinatnan ng aking nakaraang relasyon, hindi naman ako ganun ka-bitter para hindi ko tignan ang positibong anngulo ng “PANLILIGAW” o “PANUNUYO”.

Para sa mga kalalakihan, sa di-inaasahang pagkakataon ay kakatok ang pag-ibig sa pintuan ng inyong mga puso. Mistulang napana ni kupido. Marahil hindi man ganun agad kalalim ang emosyong nararamdaman para sa isang Babae, kung susukatin ay nasa lebel pa lamang ng “Paghanga” o “infatuation”.. “Crush” ang pinakapopular na tawag doon. At ang iba naman (sa maniwala kayo o talagang maniwala nalang), “LOVE AT FIRST SIGHT” daw..(agad-agad!).

Sa puntong iyon, hindi lahat ng kalalakihan ay may lakas ng loob at confidence o “guts” para sundin ang tinitibok ng kanyang puso. At sa pagkakataong ito lumalabas ang papel ni “PANLILIGAW”! Kilalanin natin siya.. Sino nga ba siya? (tao lang? “Sino” talaga??) Ano nga ba ang PANLILIGAW?? Ayon sa Wikipedia: Ang ligaw, panliligaw o pagligaw ay isang gawain ng taong nanunuyo sa kanyang napupusuan. Tinatawag din itong pangingibig. Isang tradisyunal o nakagawiang kultura ang panliligaw ng isang lalaki upang maipahayag ang kanyang damdamin para sa babaeng kanyang iniibig. At basi sa aking opinion at naririnig, ito ay pag-aalay ng buong pagpapakumbaba ng iyong buong puso sa taong iniirog. Lahat ay gagawin upang mapatunayan na malinis at dalisay ang hangarin. Effort kung maka-effort! Dito nasusubok ang tiyaga, sinsiridad, pagkamalikhain at kung hanggang saan ang kaya mong ibigay o gawin upang masungkit lamang ang pinakamimithing matamis na “Oo” ni Babae.

Mas lumalalim ang interes na naghuhudyat na gawin ang mga bagay na sarili mo mismo ay hindi mo inaakalang magagawa mo nang dahil sa Pag-ibig. “Beyond your wildest dreams..” ika nga. Kusang lumalabas ang pagkamalikhain at likot ng isipan—lahat ay iuukol para sa ikaliligaya ng minamahal. Love letters, harana, dinner date, picnics, outings,the hatid-sundo system”, cards of different occasions, fan signs (na tanging pangalan niya ang nakabalandra), chocolates, flowers, heart-shaped ballons, at marami pang iba… Talaga namang hindi nauubosan ng surprises! Minsan pa nga ay ginagamit na kasangkapan, kasabwat o kakuntsaba ang mga taong malapit sa iyo—pamilya, mga kaibigan/barkada o mga katrabaho.

Walang sukatan kung hanggang saan o gaano katagal ang dapat gugulin sa panunuyo upang makamit ang “Oo” ni Babae. Ang iba taon ang binibilang, ang iba naman ay ilang buwan lang. Nakadepende na rin siguro kung may pagtingin din ang Babae sa kanyang manliligaw.

Pero syempre, tulad ng isang laro, kung may mga pinalad “manalo”, mayroon din mga “natatalo”. Hindi lahat ng manliligaw ay pinapalad na makamit ang matamis na “Oo” ng kanyang nililigawan. Yung iba kapag nabigo o “na-busted” ay sumasama ang loob at tuluyan ng lumalayo. At ang iba naman ay maituturing na “sports” lang, nirerespeto at tinatanggap ang naging desisyon ni Babae. Sports man o hindi, nararapat na bigyan ni Babae ng pag-unawa ang naging reaksyon ng kanyang manliligaw dahil “puso” o dadamdamin ang involved at bilang respeto na rin sa kanyang pagkatao. Mayroon din mga nanligaw na minarapat nilang manatiling kaibigan ang kanilang niligawan.

May mga na-inlove sa kaibigan/kalilala o na-inlove sa isang “stanger or newly found acquaintance” o na-inlove sa “friend of your friend”, iba’t-iba man ang sitwasyon (ito ay sa kung paano ginustong iguhit ng Panginoon ang iyong tadhana), bago maging “lovers” ay dumaraan muna sa isang tulay na ang tawag ay “PANLILIGAW”.

At sa mga pinalad na makamit ang matamis na “Oo” ng kanyang nililigawan, naway hindi tumigil ang iyong panliligaw sa iyong minamahal. Isang malaking rason ay upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais sa isang relasyon tulad ng pagkasawaan, pagtataksil at pang-iiwan. Panatilihin ang walang katapusang paghanga at walang kamatayang pag-ibig na tanging siya lamang ang pinakamaganda sa iyong paningin at bukod tanging nilalaman ng iyong puso’t isipan. Panatilihin ang respeto, tiyaga, paglalambing at walang kapagurang pag-aalaga sa kanya tulad noong nililigawan mo pa lamang siya. Ituring mong iyong reyna na mamahalin, pagsisilbihan at buong pusong iingatan. Oo nga’t walang perpektong relasyon, darating din ang panahon na susubokan kayo ng tadhana. Gaano man kabigat o kakomplikado at kahirap ang problemang inyong kinakaharap, isipin mo na bilang isang tunay na lalaki na minsan nang “nanligaw”, ikaw ay dumaan sa madilim na yungib, matirik na bundok, maalon na dagat at masukal na gubat masungkit lamang ang matamis na “oo” ni Babae, ikaw ay hindi susuko at hindi lilimot at lalong lao na hindi magpapatalo sa mga hamon ng buhay. Alalahanin mo na sa kabila ng lahat na iyong kinakaharap ito ay iyong pagtatagumpayan tulad ng pagkamit mo sa Pag-ibig ng iyong iniirog.

Ang mensahing nais kong iparating ay "KUNG PINITAS MO ANG ISANG BULAKLAK, IBIG SABIHIN NAGUSTUHAN MO ITO O NAGANDAHAN KA DITO... KAYA NARARAPAT LANG NA WAG MONG SAYANGIN AT BASTA-BASTA NA LANG ITAPON... PAKAINGATAN MO!" Kung lahat ng kalalakihan ay ganito ang persipsyon sa buhay, malayong-malayo na may mga Babaeng iiyak, lolokohin, lalong-lalo na ang iwanan. :)

###

2 comments:

  1. Top 5 Casinos That Accept PayPal in 2021
    Top 5 PayPal casinos that 셉인소 accept PayPal · 1. InterTops · 2. Bet365 · 3. Bet365 · 4. 바카라패턴 Wildz Casino 1xbet 후기 · 5. 스포츠 벳 1xBet Casino · 6. Unibet · 7. Vivo 더굿 토토 Gaming.

    ReplyDelete
  2. New slot machine games for PC, Mac, Nintendo Switch - Dr.
    Find great deals for New Slot Machine Games 순천 출장샵 at Dr. MD. 경상북도 출장샵 Save on 제주도 출장안마 your trip when you bundle your favorite 여수 출장안마 game 구리 출장안마 with great deals.

    ReplyDelete